Lagpas dalawang dekada na siguro na hindi ako nag gigitara... Hindi ko na tanda kung papaano tumipa at mag strum.... Ito ang isa sa kinakatakutan ko... Yung feeling ko ay 'di ko talaga matututunan.
Bukod sa magaling kumanta si tatat, magaling din s'yang mag clarinet, gitara atbp. Mga talento n'ya na mukang walang nakamana sa amin magkakapatid. Sa pagkanta, pagtatanungin s'ya nung bata ako, kung ako ba daw eh nagmana... Ang laging sagot n'ya, "nasa tono naman"... hahahha.. As in magaling talaga kumanta tatay ko, champion kaya yun sa tv! Sa tawag ng tanghalan o kapalaran! Di ko na alam title nung contest, basta alam ko inilalaban s'ya ng sa mga amateur singing contest nung bata... Dinadayo ang maynila, at umi-ikot sa laguna para lang lumaban sa mga kantahan. Yun lang, muka wala na nagmana da henerasyon namin. Sa talento na minana pa niya sa kanyang ama.
Gitara isa sa kinakatakutan ko. Eh paano ba naman, bata pa lang ako, tinuturuan na ko mag gitara. Hindi talaga ako matuto. Tanda ko nung bata ako, ini-enroll pa ko sa rondalla, sa school. Nakatugtog naman ako, mga bente siguro kami na nag gigitara, at maganda na hindi nahahahalata at nakikikinig ang lumalabas sa gitara ko. Madami kasi kami sabay-sabay na tumutugtog... "kunyari nalang tumutugtog ako", sa isip ko.... Hahahah...
Naalala ko din kapag dinidiin ni tatay yung mga daliri ko sa teklada ng gitara. Huwag ko daw idikit yung ibang daliri sa ibang string. Iba daw lalabad na tunog. Siyempre bata ka pa, maliliit pa mga kamay at daliri mo. Kaya naman parang ayaw mo na mag-practice kasi feeling mo hindi mo abot at kayang hawakan ang gitara. Matututo naman ako ng konti pag tinuturuan ako ni tatay, makaka tugtog ng ilang 'keys', pero makakalimutan ko din pagkalipas ng 2 linggo.. hahahha
Dumating din sa point, na pinaturuan ka uli sa iba. Yung kabanda daw n'ya nung bata siya, 'ka combo'. 'di ka din natuto hahahha... Sa madaling salita, hindi talaga ako nabigyan ng talento sa musika. Nasa dugo ko daw, gawa ni tatay pero hirap ako talaga na matutunan.
Ngayon, kakatapos ko lang ng isa sa mga pangarap ko. Makatapos ng Masteral... :P Sweet, pangarap ko pa nung nabubuhay si Inay. Pangarap namin ni Inay. Ngayon natupad ko na, kahit 'di pa na-release yung result... Claim ko na na pasado ako. Sana... Ang reward ko naman sa sarili ko ay isang gitara.
Nag-enroll din ako sa guitar tutorial. 30 minutes kada linggo, na practice, na magsisimula sa isang linggo... Pang-apat ko na bali na taga turo ng gitara. Alam ko meron mga tutorial sa youtube, pero alam ko na mahihirapan ako matutunan... Kasi hirap nga ako na matuto na noon pa man. Kaya ayun... Bumili ako ng gitara, hindi ko alam kung maganda ang tunog o magandang klase. Mura naman, nabili ko ng sale, @student price... Tapos may mga kasama pa akung ano ano... Ito pala specs nung gitara... 'Di ko naman naiintindihan, basta tumutunog.
|