Gusto mo ba mag litson ng manok? Yung sakto sa panlasang pinoy, sakto sa panlasa mo? Di kailangan ang mamahalin o malaking oven. Oven na katulad ng larawan sa baba ay pwede na....
Pagprepara ng palaman ng manok:
1. Pitpitin ang tanglad
2. Hiwain ang bawang at sibuyas ng maliliit
3. Paghaluhaluin ang bawang, sibuyas at laurel
Pagprepara ng pagbababaran ng manok:
1. Ilagay sa isang malaking lalagyan ang sprite
2. Isama ang asukal, at haluin hanggang matunaw ang asukal
3. Hiwain ang lemon sa gitna, at pisain hanggang maihiwalay ang katas sa balat
4. Isama ang toyo at katas ng lemon, haluin muli
Mga hakbang bago ibabad ang m anok:
1. Pahidan ang loob ng manok ng butter, asin at paminta
2. Ipasok sa loob ng manok ang pinaghalohalong laurel, bawang at sibuyas
3. Ipasok din sa loob ng manok ang pinitpit na tanglad
Pagbababad ng manok:
1. Ilagay ang may palaman na manok sa isang plastik bag
2. Ibuhos ang syrup ng sprite, lemon, at asukal
3. Palabasin ang hangin sa plastic bag
4. Ilagay sa loob ng refrigerator ng di bababa sa 4 na oras. Mas masarap kung ibababad ang manok hanggang kinabukasan
Pagpreprepara bago ihawin:
1. Painitin ang oven bago isalang ang manok, ng may temperatuang 200° C
2. Habang inihahandang uminit ang pugon, tusukin ang manok sa stick na pang ihaw
3. Pahidan ang labas ng manok ng asin at paminta
4. Ibaba ang temperatura ng pugon, 165° C
5. Ilagay ang manok sa pugon, at hayaang maluto ng 1 at kalahating oras
6. Wag kalimutang pahidan ng pinaghalong butter at syrup (na ginamit din pambabad) ang manok habang niluluto. Maaring pahidan ang manok kada 10 hanggang 15 minuto
Masarap na sawsawan:
Maaring isawsaw ang manok sa ano mang paburito n'yong sawsawan. Katulad ng ketsup, mang tomas, o ng suka.
Pero, para sa akin masarap isawsaw ang manok na ito sa toyo at kalamansi.
Magugustuhan ito ng mga bata at matatanda...