Napaka-swerte ko at nag krus na naman ang aming landas ng isa sa pinaka-titingala kong makabagong manunulat ng panitikan. Si Doktor Edgar Calabia Samar, natuturo sa Ateneo de Manila University ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat. Nag-uumapaw ang swerte at may baon s'yang mga kopya ng kanyang libro, "Si Janus Silang ay ang Tiyanak na Tabon".
Ilang beses ko na nakikita ng kopya ng librong ito, sa mga facebook accounts ng mga kapatid namin sa Holy Name. Matagal ko na din gusto magkaroon ng kopya. Umaga bago kami magkita ni Kuya Egay, ay nakakita din ako ng kopya na hawak hawak ng kanyang kaibigan na binisita din dito sa Singapore. Sa isip-isip ko, "buti pa siya may kopya na, sana nakapag-bilin din kay Kuya Egay ng kopya". Hindi ko inaasahan, pero ayun, may extra s'yang kopya para sa akin. Swerte! Pero plano ko din talaga maghanap ng kopya sa NATIONAL BOOKSTORE kung magagawi man ako pag-uwi ko ng Pinas. Kaya salamat Kuya Egay! :)
Bihira ako magbasa ng libro, at iilan lamang ang natapos ko. Isa na dito ang "Walong Diwata ng Pagkahulog", na sulat din ni Kuya Egay.Katulad ng "Walong Diwata..." sigurado akong papasok na naman ako sa ibang dimensyon (ang aking expectation). Naalala ko nung binabasa ko ang libro, feeling ko ay kinakausap ako ng author, at yung mga ibang tagpo ay naihahalo ko sa katototohanan. Bagaman 'di ko pa nababasa ang "Janus Silang", sigurado akong magugustuhan ko ito. Katulad ng mga iba pa niyang panulat na nabasa ko na, ilan dito ay mga tula at maikling kwento.
Sa darating na weekend, babasahin ko ang libro (Janus Silang) at gagawa ako ng review, patungkol sa librong ito.
Mga pangyayari sa pagkikita namin ng may akda (ang aming Kuya Egay):
Sa darating na weekend, babasahin ko ang libro (Janus Silang) at gagawa ako ng review, patungkol sa librong ito.
Mga pangyayari sa pagkikita namin ng may akda (ang aming Kuya Egay):
Kasama ang isa pa naming kapatid, si Kuya Arvin...