Excited na ko para bukas! Unang araw ng aking Guitar Lesson. Pero habang nag-aantay ng bukas, testing muna.... Pinag-aralan ko ang D-A-G-A D-A-G-A na mukang hindi naman tunog Line to Heaven. Dahil sa patigil-tigil at di magandang tunog ng aking mga unang tipa sa gitara. Ano't ano man, matututo din siguro ako. Tyaga lang, natutunan nila, eh sana naman eh matutunan ko din.
Syempre unang reason ko kaya ko nag-aaral, eh para matuto. Pangalawa, gusto ko mapatunayan na lahat ng bagay kayang matutunan, kung pag-hihirapan. Dahan, dahan kumbaga. Papasok din ang aking mga nota, sa tyempo ng kanta. Hindi man ako maging magaling sa pag gigitara, minimum na target ko eh makatuogtog ng mga tatlong kanta.